-- Advertisements --

Aabot sa 70 katao ang nasawi matapos at marami ang nasugatan matapos ang pagsabog ng oil tanker sa northern Nigeria.

Ayon sa National Emergency Management Authority , nangyari ang insidente sa Maiduguri, Nigeria kung saan mayroong 56 na indibidwal ang nasugatan at dinala na ang mga ito sa pagamutan.

Noong nakaraang Oktubre ay isa ring tanker ang sumabog sa Jigawa state na ikinasawi ng 153 katao.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing aksidente.