-- Advertisements --

Nasa 70 porsyento ng healthcare workers sa Marikina City ang handang tumanggap ng COVID-19 vaccine ng Sinovac mula China.


Ito ang kinumpirma ni Marikina mayor Marcelino Teodoro.

Ayon kay Marcelino hindi nagpahayag ng pagdududa ang kanilang mga health workers sa Sinovac vaccine, kaya payo nito sa natitirang 30 percent health workers na magpabakuna na agad imbes hintayin ang nais nilang vaccine brand.

Paliwanag ni Teodoro mas mabuting may proteksiyon na dahil hindi masabi kung kailan mahawa sa nakamamatay na virus.

Siniguro din ng alkalde na kasado na ang kanilang vaccination program at bakuna na lamang ang kanilang hinihintay.

Nakatakdang dumating ngayong Linggo ang vaccine ng Sinovac, at susundan ito ng bakunang gawa ng AstraZeneca sa Lunes.


Higit 500,000 AstraZeneca vaccines mula COVAX ang darating sa Lunes.