-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa 70 mga rebelde sa Iloilo ang nagbalik loob sa gobyerno.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Cenon Pancito, spokesperson ng Third Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na ang nasabing mga rebelde ay kasapi ng militia ng bayan.

Ayon kay Pancito ang nasabing mga rebelde ay sumuko sa 61st Infantry Battalion ng Philippine Army.

Isinuko rin ng mga rebelde ang 70 mga de kalibreng armas na kinabibilangan ng carbine, short firearm at handmade shotgun.

Tatanggap naman ng financial assistance ang mga rebelde matapos nagbalik loob sa gobyerno.