-- Advertisements --
Umabot na sa 70 katao ang naaresto sa isinagawang 5 raid sa naganap na serye ng bombing sa Sri Lanka.
Inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek kabilang ang negosyanteng si Mohamed Yusuf na naunang naaresto ang dalawa nitong anak na kamakailan ay pinalaya din.
Sa limang raids na kanilang ginawa ay nakumpiska ang iba’t-ibang gamit sa paggawa ng bomba.
Tumulong na rin ang may anim na foreign police agencies at interpol kabilang ang Scotlandyard mula sa United Kingdom at FBI mula sa US.