-- Advertisements --

Aabot sa 700 na atleta ang sasabak sa Philippine Athletics Championships na gaganapin mula Mayo 8-12 sa PhilSports track oval sa Pasig city.

Ang mga atleta na kasama ang ating bansa at siyam na iba pa.

Ito rin ang unang pagbabalik sa Metro Manila ng nasabing palaro matapos na laging ginaganap sa Ilagan, Isabela noong nakaraang mga taon.

Ilan sa mga bansang kalahok ay mula sa Thailand, Singapore, Malaysia, Japan, New Zealand, Hong Kong, US at Pilipinas.

May ilang mga Filipino athletes ang umaasang makapasok sa Paris Olympics gaya nina Fil-Am sprinter Lauren Hoffman, Fil-Spanish John Cabang Tolentino, Asian champion Robyn Brown, atSoutheast Asian Games gold medalists Eric Cray, Janry Ubas at Kristina Knott.