-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kabuoang 700 tree seedling ng tugas ang itinanim sa isinagawang 2-day tree-growing activity sa Sanitary Landfiil sa Brgy. Kimagango, Midsayap, Cotabato.

Nilahukan ito ng mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students o SPES, environment advocates at ilang mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Ang pagtatanim nito ay tulong para sa pangangalaga ng kalikasan at magsisilbing proteksyon sa magiging kalamidad.

Nabatid na ang aktibidad ay piangunanhan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Public Employment Services Office.