Pinalaya ng Department of Justice sa pamamagitan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pangunguna ni Director-General Gregorio Catapang, Jr., ang 783 persons deprived of liberty (PDLs) kasabay ng culminating activity ngayong araw sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ang naturang programa ay may temang “Pagpapalakas ng Programang Pang-Repormasyon Tungo sa Tagumpay at Panibagong Ambisyon.”
Dumalo sa naturang kaganapan sina, BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. Undersecretary-in-Charge for Corrections Cluster Deo Marco, Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda-Acosta at Board of Pardons and Parole (BPP) Chairperson Sergio R. Calizo.
Ang mga PDL na pinalaya ay nagmula sa iba’t ibang kulungan at mga penal facility sa buong bansa sa ilalim ng BuCor tulad ng New Bilibid Prison (NBP), Correctional Institution for Women (CIW), Davao Prison and Penal Farm (DPPF), Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF). at marami pang iba.
Sa isang pahayag, sinabi nito sa mga pinalayang inmate na ang kanilang katatagan at tiyaga sa buhay sa loob ng mahihirap na pamumuhay sa kulungan ay ay isang buhay na testamento na sinumang magkasala ay maaaring bumangon ng mas malakas, mas matalino at mas mahusay.
Sa ulat ng BuCor, ang mga PDL ay pinalaya sa ilalim ng iba’t ibang paraan tulad ng acquittal, parole, conditional pardon, cash bond, bail bond, expiration of maximum sentence, expiration of maximum sentence with Good Conduct Time Allowance (GCTA) at marami pa.
Hinimok rin ng Kalihim ng DOJ ang mga PDL na huwag nang tumalikod at magmartsa pasulong nang may hindi natitinag na determinasyon.
Kamakailan ay inilipat ng BuCor ang 500 PDL mula sa New Bilibid Prison patungo sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro bilang bahagi ng pagsisikap nitong i-decongest ang national penitentiary.