-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Migrant Workers na nasa ligtas na kalagayan ang kabuuang 700 Pilipino na nasa Bangladesh sa gitna ng nangyayaring malawakang protesta ng mga sibilyan na nagbunsod ng kaguluhan sa naturang bansa.

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, ilan sa mga Pilipino ay nasa hotel sector. Umaasa naman sila na mananatiling ligtas ang mga ito.

Sa ngayon, maigting na nakikipag-ugnayan ang DMW sa Philippine Embassy sa Bangladesh kung saan inaalam na rin ang pulso ng Filipino community doon kung mayroon ng humiling na ma-repatriate pauwi sa Pilipinas upang maayos na maicoordinate ito sa DFA.

Subalit sa ngayon ayon kay Cacdac wala pang humiling ng repatriation.