-- Advertisements --

Nasa 700 na mga police personnel mula sa Manila Police District (MPD) ang idineploy sa University of Santo Tomas sa Manila para magbigay seguridad sa lugar para Bar examinations.

Ayon kay MPD spokesperson, madaling araw pa kanina ay naka pwesto na ang mga pulis sa vicinity ng unibersidad at nagsagawa na rin ng paneling ang mga tauhan ng explosive ordnance division (EOD).

Kinumpirma din ni Margarejo na naglagay din sila ng mga CCTV monitoring sa apat na corners ng UST.

Bukod sa mga pulis ay nagdeploy din ang MPD ng mga tauhan mula sa PNP Health Service para anumang emergency cases.

May mga covert security din ang nakakalat sa school premises.

Mahigpit din ipapatupad ng mga pulis ang pagpapatupad ng No tents and Tarpaulins, pagbabawal sa pag-inom ng mga intoxicated beverages at ang pagpapatupad ng malalakas ng mga music.

Binigyang-linaw ni Margarejo na striktong ipapapatupad ang mga ipinagbabawal sa buong duration ng Bar exam.

“700 MPD personnel will be used for the entire duration of the bar examination,” mensahe ni Margarejo.

Nasa 7,200 law graduates mula sa buong bansa ang kumukuha ng Bar examinations.

Nagpatupad naman ang MPD ng traffic rerouting scheme sa UST.

Ang Bar exams ay gaganapin ng apat na Linggo ngayong buwan ng Nobyembre. it to the top ten.