-- Advertisements --
Mayroong mahigit 700 ang trabaho para sa mga healthcare workers ang kailangan sa Metro Manila.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na sa 3,500 na position na binuksan kamakailan sa Metro Manila ay mayroong 22 percent ang nananatilng bakante.
Pawang mga doktors, medical technicians at nurses ang kailangan.
Itatalaga ang mga ito sa mga public at private hospitals ganun sa mga testing centers at isolation facilities.
Mayroong tamang pasahod naman asahan ang mga healthcare workers dahil ito ay nakapaloob sa salary standardization.