Umabot sa 7,198 katao o 2,198 pamilya ang inilikas sa evacuation center dahil sa pagbaha dulot ng malakas na ulan kasabay ng pagpapakawala ng tubig sa Angat at Ipo dam.
Nagsimulang tumaas ang tubig nitong Huwebes at tuluyang nalubog sa baha noong Biyernes matapos magpakawala ng tubig sa mga dam.
Ayon sa mga residente, hindi nila inasahan ang aabutin ng taas ng tubig.
Ilan sa mga apektado ng baha na lumikas ay ang Angat na may 20 katao, Pulilan na may 25 katao, Plaridel na may 238 katao, San Rafael na may 400 katao, Baliwag na may 6,487 katao, at Norzagaray na may 470 na pamilya.
Samantala, isang bahay naman ang naitalang nasira ng pagbaha.
Ngayon araw ay inaasahang makakabalik na sa kanya kanyang bahay ang mga residente, anila ang paglilinis ng makakapal na putik naman ang kanilang problema.