-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Posibleng makikinabang sa Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD ang 70,000 na pamilya sa lalawigan ng Benguet.
Gayunpaman, sinabi ni Benguet Governor Melchor Diclas na kulang ang naitakdang quota para sa 13 na bayan sa lalawigan.
Sa kabila nito, sinabi niyang walang magagawa ang lokal na pamahalaan dahil ito ang ibinigay na quota ng nasyonal na gobyerno.
Dahil dito, ipinag-utos ng gobernador ang maingat na pagpili ng mga opisyal ng barangay sa mga magiging benepisaryo ng SAP.
Iginiit niyang kailangang ang mga tunay na nangangailangan ang mabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng programa.