-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Magsasagawa 700,000 COVID-19 tests kada linggo sa Paris, France simula sa Lunes, Mayo 11, kung saan aalisin ang lockdown sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mylene Gonzales, OFW sa Paris, France na sinumang magpopositibo sa test ay isasailalim sa isolation sa loob ng kani-kanilang mga bahay o sa itinalagang lugar ng kanilang pamahalaan sa loob ng 14 araw.

Simula aniya noong Mayo 7 ay mayroong color indicator tulad ng green color na ang ibig sabihin ay less strict at kapag red color very strict na ang ibig sabihin ay marami ang infected sa nasabing lugar.