-- Advertisements --

Umaabot sa 700,000 benepisyaryong mangagawa ang nabigyan ng tulong pinansiyal sa ilalim ng mga livelihood program ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Labor day, May 1.

Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) program ng ahensiya, nasa kabuuang 673,480 manggagawa ang nabigyan ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng mahigit P3.377 billion.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 200 decommissioned combatants ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) mula sa iba’t ibang bayan sa Basilan.

Nagtrabaho ang mga ito sa loob ng 30 araw at nakatanggap ang bawat isa sa kanila ng P 10,080 . Nakatanggap din ang mga ito ng personal safety equipment at micro-insurance sa panahon ng kanilang pansamantalang trabaho.

Samantala, sa ilalim naman ng DOLE Integrated Livelihood Program o Kabuhayan Program, nasa kabuuang 35,598 indibidwal naman ang nabigyan ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng mahigit P706 million.

Top