-- Advertisements --
pig imports

Paiigtingin umano ng General Administration of Customs ng China ang quarantine inspections nito sa lahat ng shipments at mga pasahero na magmumula sa South Korea.

Ito ay matapos ipagbawal ng China ang pag-aangkat ng mga karne ng baboy mula South Korea matapos nitong kumpirmahin ang unang kaso ng African swine fever (ASF) sa lungsod ng Paju.

Sinabi ni agriculture minister Kim Hyun-soo na umabot na sa halos 4,000 baboy mula sa tatlong babuyan ang kinatay.

Noong Hunyo nang kumpirmahin ng Seoul ang mataas na tiyansang makapasok ang naturang sakit sa kanilang bansa na mula North Korea.

Kaugnay nito, nag-utos ang gobyerno na maglagay ng bakod sa mga babuyan na malapit sa inter-Korea boarder upang maiwasan ang posibilidad na mahawa ang mga alagang baboy ng naturang sakit.

Ang hakbang na ito ng China ay kasabay na rin ng week-long national holiday at pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng pagtatatag ng People’s Republic of China noong Oktubre 1.