-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nasa 702 ang karagdagang bagong kaso ng COVID-19 variants na na-detect sa bansa.

jeepneys bus roads highway NCR metro manila

Base sa inilabas na resulta ng latest batch ng whole genome sequencing, 466 ang bagong kaso ng itinuturing na dominant COVID-19 variant sa bansa na Delta variant, 105 new cases naman ng Beta variant o South African lineage at 41 sa P3 variant na unang natuklasan sa Pilipinas.

Sa 466 na new cases ng delta variant, 442 dito ang local cases 14 ang returning overseas Filipinos at 10 cases naman ang for verification.

Karamihan sa local cases ng Delta variant ay mula sa National Capital Region na nasa 201 cases, 69 cases naman mula sa Central Luzon, 52 cases sa Western Visayas, 49 cases sa CALABARZON, 19 cases sa Central Visayas, 14 cases sa MIMAROPA, 11 cases sa Davao Region, pitong cases mula Cagayan Valley at pitong cases din sa Soccsksargen, 6 cases sa Northern Mindanao, 4 Delta cases sa Bicol Region at 3 cases naman sa Ilocos region.

Sa kabila nito, isa na lamang ang kasalukuyang aktibo sa bagong nadagdag na bilang ng Delta variant cases matapos na makarekober ang 457 dito habang walo naman ang nasawi.

Sa kabuuan mayroon ng 1,273 na Delta variant cases sa bansa.

Samantala, nilinaw naman ng DOH na kailangan pa ng karagdagang ebidensiya para makumpirma na mayroong community transmission ng mas nakakahawang delta variant sa bansa.