-- Advertisements --

All set na sa kanyang biyahe patungo sa Eilat, Israel, ang pambato ng Pilipinas sa 70th Miss Universe na si Beatrice Luigi Gomez.

Katunayan bago pa man ang kanyang flight bukas, November 27, sumailalim na sa swab test para sa Coronavirus Disease ang “openly gay” na si Bea.

Wala pa rin naman itong opisyal na pahayag hinggil sa pagkumpirma ng kanyang disk jockey girlfriend na si Kate Jagdon na break na sila matapos ang pitong taon.

Una nang ipinagmalaki ni Bea na siya ay full blooded Filipina o walang ibang lahi.

Ang 26-year-old Cebuana beauty ay isa ring model, atleta partikular ang pagiging volleyball player, Philippine Navy reservist, cat lover, at proud member of the “LGBTQIA+” community.

Tatangkain niyang masungkit ang pang-limang Miss Universe crown para sa Pilipinas.

Noong nakaraang taon, nagtapos sa Top 21 ang Miss Universe journey ng Ilongga-Indian na si Rabiya Mateo.

Gaganapin ang Miss Universe ngayong taon sa darating na December 13, Manila time.