-- Advertisements --

Gumawa ng kasaysayan ang 71-anyos na si Marissa Teijo matapos ang pagsali niya sa Miss Texas, USA.

Itinuturing na siya ang pinakamatandang babae na sumali sa pageant.

Si Teijo na mula sa El Paso ay nakatanggap ng standing ovation noong ito ay naglakad sa stage.

Isinilang noong 1952 sa Northwest, Texas na siyang pangalawa sa apat nilang kapatid.

Dagdag pa nito na noong edad 40 niya ay nag-eehersisyo siya sa gyam at sumasali siya bodybuilding competitions.

Kaya aniya siya sumali sa pageant ay para maging inspirasyon sa ilang mga may kababaihan.