Umakyat pa sa 71 barangays sa buong bansa ang may active na kaso ng African swine fever (ASF) as of Oct. 7.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) noong nakaraang buwan nakapagtala ang kagawaran ng 69 barangays na apektado ng ASF.
Nananatili ang Ilocos region ang may pinakamataas na kaso sa ASF matapos makapagtala ng 43 active ASF cases habang ang kalapit na lugar na ito na Ilocos Norte ay nakapagtala ng 10 kaso.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, nasa 31 cities at municipalities ang nakapag-record ng ASF cases.
Sa nasabing bilang, apat na barangay ay nagmula sa Nueva Vizcaya at Surigao del Sur habang tig-dalawa naman sa Batangas at Ifugao.
Isang kaso naman ang naitala sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, Cavite, Laguna at Surigao del Norte.