Nagmistulang dagat na ang ilang mga lugar sa Southern China na kasalukuyang nakakaranas ng malawakang pagbaha at mga pagguho ng lupa na kumitil na sa 71 katao.
Ito ay bunsod na rin ng ilang linggo ng nararanasang matinding pag-ulan sa rehiyon mula pa noong Hunyo 9 ng kasalukuyang taon.
Kaugnay nito, nag-isyu na ang National Meteorological Center ng China ng rainstorm red alert na pinakamataas na lebel sa ikalawang sunod na araw nitong Martes na magtatagal hanggang bukas, Hunyo 27.
- Monster ship ng China, umalis na sa El Nido, Palawan at dumaan sa Scarborough shoal – US maritime security expert
- PH, nagpadala na ng note verbale sa China kaugnay sa panibagong insidente sa Ayungin shoal – DFA
- Mga pag-ulan na nararanasan, panandalian lamang ayon sa DOST- Pagasa; LPA, malabong maging bagyo
Pinaigting din ang emergency response sa 8 probinsiya sa buong southern China at nagpakalat ng response team para sa flood control at disaster relief efforts matapos na bumulwak na ang mga tubig mula sa mga ilog at binuksan ang floodgates sa ilang reservoir na nagresulta sa forced evacuation ng libu-libong residente.
Kabilang sa mga nakakaranas ng matinding baha ay ang mga lugar sa Sichuan Province ng Southwest China, Chongqing Municipality sa Central China’s Hubei, Hunan Provinces at East China’s Anhui, Jiangxi at Zhejiang Provinces.
Sa mga probinsiya ng Anhui, Jiangxi at Hunan, pumapalo sa 500 millimeters ang taas ng tubig baha habang umaabot naman sa 740 millimeters sa Changde city sa Hunan at Huangshan city sa Anhui.
Samantala, base sa mga siyentista ang nararanasang kalamidad ng China ay bunsod ng climate change subalit marami naman ang nagsasabing ito ay delubyo dahil sa hindi makatarungang panghihimasok ng gobyerno ng China sa ilalim ni Pres. Xi Jinping sa mga karagatang pagmamay-ari ng maliliit na bansa sa ASEAN region.
Sabi pa ng ilan na ang West Philippine Sea na ang pumupunta sa China dahil ito sa pag-aangkin ng naturang bansa sa karagatan.
Subalit sa kabila nito, marami pa rin ang nakisimpatiya at nag-alay ng dasal para sa kaligtasan sa milyun-milyong residente na apektado ng malawakang pagbaha sa Southern China.