-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Taliwas sa nakagawian na marangyang selebrasyon, mas pinili ni Mommy Dionesia Pacquiao na huwag na lamang i-celebrate ang kanyang ika-71 taong kaarawan.

Kung ikukumpara sa nagdaang taon, abala na si Dionesia para sa isasagawang piging kasama ang mga anak subalit ngayong araw, namigay na lamang ito ng relief goods sa kanyang mga kapitbahay.

Ayon kay Mommy D, masaya pa rin daw ito kahit hindi makasama ang kanyang mga anak dahil sa coronavirus pandemic.

Wish pa ni “PacMom” na bigyan pa siya ng maraming birthday, at hindi naman nito kinalimutan ang pagdasal at pagpasalamat sa Poong Maykapal kasama ang anak na si Lisa Onding.

Kung nawala man daw ang malaking handaan, mayroon namang inihandang hapunan kung saan naroon ang kanyang pamilya.