-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Miss Universe Organization na gagamit sila ng sustainable sashes sa 71st edition ng pageant.

Sa social media account ng pageant ay nagpost sila ng sample ng sash.
Gawa umano ito sa 100% post-consumer recycled fabric.

Ayon sa organizers na sa hakbang ay mababawasan na ang dami ng mga plastic at basura sa kapaligiran.

Sa nasabing maliit na hakbang aniya ay mayroong malaki itong epekto sa kapaligiran.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay ipinakita sa publiko ang “Force for Good” crown na gawa sa sapphires at diamonds.

Gaganapin ang Miss Universe 2022 sa Enero 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana.