-- Advertisements --
Inilipat ng Miss World organizers sa India ang venue ng 71st Miss World Pageant mula sa dating United Arab Emirates.
Una kasing sinabi ni MWO chairperson at CEO Julia Morley noong Pebrero na sa UAE ito gaganapin.
Hindi naman nito binanggit ang dahilan kung bakit sa India niya ito napiling paglipatan.
Gaganapin ang nasabing pageant na Nobyembre o Disyembre ngayong taon.
Mayroong tema ang nasabing pageant na nakatoon sa “charitable causes”.
Inaasahang maglalaban-laban ang 130 na mga pambato mula sa iba’t-ibang mga bansa.
Magiging representative naman ng bansa si Gwendolyne Fourniol kung saan target nito ng makuha ang korona sa pangalawang pagkakataon.
Taong 2013 ng unang makuha ni Megan Young ang unang Miss World title para sa bansa.