Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang 72-anyos na inmate ng Correctional Institution for Women (CIW) sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa pahayag ng Bureau of Corrections, na-diagnose noong Lunes sa CIW infirmary na may community acquired pneumonia ang nasabing babae, na dumaranas din ng diabetes.
Dinala naman ang pasyente sa Sta. Ana Hospital sa nasabi ring araw.
Nagsagawa na umano ng contract tracing ang mga otoridad, at sinusuri na rin ang lahat ng mga medical personnel at persons deprived of liberty (PDL) na nakasalamuha ng COVID-19 positive.
Samantala, wala pang napaulat o na-monitor na COVID-19 cases sa Operating Prison and Penal Farms.
“Rest assured that the lone PDL patient who is now confined at the Sta Ana Hospital is being attended to by our hospital frontliners,” saad ng BuCor sa pahayag.