Aabot na sa 72 percent ng 90-million target population ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Sinabi ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang datos na ito ay hanggang noong Marso 20, 2022.
Ang malaking bilang ng mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19 ang isa aniya sa mga dahilan kung bakit mayroon nang mababang case trends ang Pilipinas sa ngayon.
Ilan pa sa mga nakikita nilang dahilan ay ang consistent na pagsunod ng publiko sa minimum public health standards kahit pa nagluluwag ng restrictions ang national government sa mga nakalipas na buwan.
Base sa survey noong Pebrero 2022, sinabi ni Duque na lumalbas na 93 percent sa mga Pilipino ang sumusuot ng face mask nang madalas o sa lahat ng oras,
Bukod dito, 57 percent naman ang umiiwas na sa mga pagtitipon-tipon,
Kahapon, iniulat ng Department of Health na mayroong 3,431 na bagong COVID-19 cases sa nakalipas na linggo, o katumbas ng nasa 490 bagong kaso kada araw.