BUTUAN CITY – Umabot sa 72 police officers sa Caraga ang nagtapos kahapon sa Police Regional Office Region 13 (PRO-13) Grandstand ng Special Weapons and Tactics (SWAT) course na layuning ma-develop ang tactical proficiency ng PNP personnel sa pagharap ng response scenarios at armed encounters.
Ang bagong SWAT graduates ay nagpapakita sa kanilang kapabilidad sa mga dumalo sa graduation ceremony.
Ipinakita ng SWAT teams ang kanilang gagawin sa mga high-risk encounters at close quarters combat, tactical maneuver na nag-uugnay sa physical confrontation.
Sa talumpati ni Chief. Supt. Gilberto DC Cruz, PRO-13 director, iginiit nito na target ng SWAT team ay ang agarang pagresponde sa mga high risk situation at magbigay sa kanila ng kaalaman na solusyunan ito ng hindi marahas.
Ang mga nag-participate ay kinabibilangan sa dalawang Police Commissioned Officers at 70 Police Non-Commissioned Officers galling sa iba’t ibang police provincial provinces, Regional Mobile Force Battalion 13 at Butuan City Police Office.
Kasabay sa seremonya, si PSSG Billy Ray P. Samillano ang binigyan ng Award of Excellence matapos nakakuha sa pinakamataas na rating sa klase habang si Police Major Rodolfo Cadiz Jr ay pinarangalan ng Leadership Award kasama si Police Maj. Rommel Cacayan.
Ang Top Gun Award ay iginawad kay Patrolwoman Rheianne C Gabunada matapos nakamit ang pinakamataas na rating sa individual practical drills sa parehong pistol at rifle habang si Police Master Sgt. Ronald Laro ay ang Strongman Award dahil sa highest rating sa physical fitness test at iba pang physical training sa course.
Ang SWAT course ay tumagal ng 45 na araw na isinagawa sa Regional Special Training Unit 13 sa Santiago, Agusan del Norte.