-- Advertisements --

Bilang pinakamatandang coach sa NBA na si Gregg Popovich ng San Antonio Spurs, siya ang pinakaunang tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19 sa liga.

Sa edad na 72-anyos, agad na kuwalipikado si Popovich sa vaccine dahil nakahanay siya sa tinaguring high-risk category sa deadly virus.

gregg popovich

Ang pagpabakuna ng multi-awarded coach ay sa gitna na rin ng maraming mga NBA players ang nahawa sa COVID-19 at marami na ring games ang nakansela bunsod ng pinahigpit na health protocols.

Aminado naman ang ilang opisyal sa NBA na ilang players ang nagdududa pa rin sa pagpapabakuna.

Kaugnay nito nanawagan si Popovich na dapat sama-sama ang lahat na magpabakuna para bumalik na sa normal.

Sa kabila nito, mahalaga pa rin aniya ang magsuot ng face mask bilang dagdag proteksiyon laban sa virus.