-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Washintong, DC na nasawi ang isang 73 anyos na Pinay kasunod ng pananalasa ng Hurricane Milton sa Florida.

Ayon kay Consul Jahzeel Cruz ng Philippine Embassy, tumutulong noon ang biktimang Pinay sa paglilinis kasunod ng hagupit ng hurricane nang mabagsakan ito ng puno sa may Tampa, Florida.

Natukoy ang biktima na si Luisa Santos, isang operator ng Oakland Manor Assisted Living na isang pasilidad na nag-aalaga sa mga senior citizen.

Sa kasamaang palad, nangyari ang naturang trahedya sa mismong kaarawan pa ni Santos.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang Embahada ng PIlipinas sa pamilya Santos para sa pagbibigay ng karamptang tulong.