-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Muling inirekomendang isailalim sa lockdown ang Aklan District Engineering Office hanggang Enero 23.

Ito ay matapos ang kumpirmasyon ni Provincial Health Officer I Dr. Cornelio Cuachon, Jr. na may 73 na empleyado ng naturang tanggapan na nagpostibo sa COVID-19 sa isinagawang halos 263 rapid antigen tests noong Enero 19.

Ang naturang hakbvang ay bilang bahagi ng comprehensive Covid-19 prevention and control program ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang resulta sa rapid tests ay kukumpirmahin pa rin sa pamamagitan ng RT-PCR test.

Sa kabuuang 73 na nag-positibo, nasa 37 ang asymptomatic habang ang natitira ay symptomatic ngunit may mild na sintomas lamang.

Dagdag pa ni Dr. Cuatchon na kailangang sumailalim ang mga ito sa isolation.

Halos lahat umano ng empleyado ay fully vaccinated.

Samantala, ang mga naging close contact ng mga nagpositibo ay obligado pa rin na mag-quarantine sa loob ng limang araw kahit na nag negatibo sa sakit.