BUTUAN CITY – Aabot sa 73 mga bubong sa may Purok 13-A at B sa Brgy. Bit-os nitong lungsod ang nakabenepisyo sa libreng serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa inilunsad na isang araw na Duterte Legacy Barangayanihan Caravan Towards National Recovery.
Kasama sa mga libreng serbisyong na-avail ng mga residenteng nagsilikas dahil sa takot na ma-ipit sa giyera nitong nakalipas na mga linggo sa pagitan ng mga rebeldeng New People’s Army at kasundaluhan, ay ang birth registration na ini-offer ng mga personahe ng City Civil Registrar, voter’s registration ng Commission on Election (COMELEC), livelihood training naman ng Technical Education, Skills and Development Authority (TESDA) at iba pa.
Sa eksklusibong payanam ng Bombo Radyo Butuan, malaki ang pasasalamat ni Bit-os Brgy. Captain Elsa Mordeno dahil ito ang unang pagkakataon na nakarating sa kanilang barangay ang ganitong mga serbisyong ini-offer ng pamahalaan.