-- Advertisements --
DOH CB 0627

Lumobo pa sa 34,803 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ngayong araw, Hunyo 27.

Sa pinakabagong datos na inilabas ng Department of Health (DOH), 738 ang panibagong mga kaso na nadagdag.

Sa nasabing bilang, 560 ang mga “fresh cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

Nasa 178 naman ang “late cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate.

Ang recoveries ay nasa 9,430 na dahil sa 249 na bagong gumaling.

Habang 12 naman ang bagong naitalang namatay kaya ang death toll ay umakyat pa sa 1,236.

Mula sa 12 bagong death cases, siyam ang namatay sa pagitan ng mga petsang Hunyo 2 hanggang 15.

May walong namang duplicates, kung saan ang isa rito ay naisama sa recoveries, ang tinanggal sa total case count.