-- Advertisements --

Suportado ng China at Russia ang 73rd founding anniversary ng North Korea na pinangunahan ni Leader Kim Jong-un na ginanap sa Pyongyang Kim Il-sung Square nang September 9, 2021.

Sa nasabing okasyon nakatanggap ng mensahe si Kim Jong-un mula sa mga political leaders sa iba’t ibang bansa kasama si Chinese Pres. Xi Jinping at Russian Pres. Vladimir Putin.

Ayon sa mensahe ni Xi Jin Ping, mataas ang pagtingin nito sa development ng relasyon ng China at ng North Korea at gusto pa nitong lalong tumibay, maging long term basis at stable ang pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa.

Sa mensahe naman ni Vladimir Putin, aniya ang relasyon ng Russia at North Korea ay nakabase sa good traditions ng pagkakaibigan at pagkakaroon ng mutual respect.

Napag-alaman na ang mga military at mga manggagawa ni Kim Jung-on ay nakasuot ng orange hazmat suits hindi kagaya ng mga dating selebrasyon na suot suot nito ang mga unified military uniform at pagbalandra ng mga bagong equipments nito na pandigma.

Ang Democratic People’s Republic of Korea na official name ng North Korea ay itinatag noong September 9, 1948 na suportado ng Soviet Union, Russia’s predecessor State.