-- Advertisements --
US TURKEY 2

Muling nagpaulan ng bomba ang Turkish forces sa lungsod ng Syria sa ikaapat na araw nitong opensiba laban sa Kurdish military kung saan pumalo na sa 74 na Kurdish-led fighters ang napatay.

Ayon kay Observatory Director Rami Abdulrahman, 49 na miyembro ng Syrian rebel group ang napatay sa naturang sagupaan na nagsimula noong Miyerkules.

Umakyat naman sa 20 sibilyan ang napatay sa syudad ng Qamishli na isa rin sa nadamay dahil sa nasabing operasyon.

Tuluyan nang nauwi sa giyera ang panghihimok ng United States sa Ankara na tigilan na nito ang pag-atake sa US-backed Kurdish forces na nagiging dahilan umano ng kapahamakan at posible pa raw itong patawan ng sanctions.

Sumalakay ang Turkey matapos makipag-usap sa telepono ni US President Donalod Trump kay Turkish President Recep Erdogan at binawi ang tropa militar ng US na matagal nang back-up ng Kurdish forces