-- Advertisements --
Nasa 74 migrants ang nasawi matapos ang paglubog ng sinakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Libya.
Ayon sa United Nation’s International Organization for Migration na patungo sana sa Europa ang nasabing barko ng lumubog sa karagatang sakop ng Khoms.
Ang Khoms ay port city na 120 kilometers na timog bahagi ng Libyan capital na Tripoli.
May lulan ang bangka na 120 katao na ang iba sa kanila ay mga babae at kabataan.
Dinala naman sa pagamutan ang nasa 47 na nakaligtas sa paglubog.