-- Advertisements --
LA UNION – Naitala ang ika-15 na positibong kaso ng Covid 19 sa La Union.
Ang nasabing pasyente ay isang 75 years old na lola mula sa Barangay Calumbaya, sa bayan ng Bauang, sa lalawigan.
Wala umanong travel history o kahit anong exposure sa Covid 19 patient ang nasabing lola.
Naramdaman nito ang sintomas noong April 13 at agad nagpakonsulta sa doktor.
Ngayong araw lamang lumabas ang resulta ng test nito kung saan positibo ito sa Covid 19.
Sa ngayon ay nananatili na-transfer na ito sa Ilocos Training Regional & Medical Center para sa karagdagang gamutan.