-- Advertisements --
Nagwagi ng bronze medal sa shot put event ng Oceania Athletics Championships si Fiji Prime Minister Sitiveni Rabuka.
Nakumpleto ng 75-anyos na Prime Minister ang over-65 category na mayroong layo na 7.09 meters sa torneo na ginanap sa Suva, Fiji.
Dahil sa panalo ay nakuha niya ang eight overall sa nasabing category.
Sinabi nito na isang morale booster para sa kaniyang edad kung saan isang inspirasyon ito sa mga batang henerasyon para manatili silang malusog.
Muntik na rin itong makakuha ng medalya sa Oceania Athletics Championships pero nakatapos ito ng pang-anim na puwesto