-- Advertisements --
Pumalo na sa 75 bansa ang nagpahayag ng interest na sumali sa COVAX financing scheme para matiyak ang mabilis at malawakang access sa COVID-19 vaccines.
Ang nasabing mga bansa na mag-popondo sa mga bakuna mula sa kanilang pondo ay makikipag-partner sa 90 na mahihirap na bansa na sumuporta sa pamamagitan ng voluntary donations sa GAVI’s COVAX.
Sinabi ni GAVI chief executive Seth Berkley na ang nasabing kumpanya ay siyang global solution para sa COVID-19 pandemic.
Kasama ng kumpanya ang World Health Organization at Coalition for Epidemic Preparedness Innovations na layon nila ay magbigay ng 2 billion na bakuna.