-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Nakatakdang ipa-deport ang 75 Chinese nationals na nahuli sa sinalakay na illegal online gambling den sa isang resort and hotel sa Sta. Ana, Cagayan kamakailan.

Sinabi PCol. Ariel Quilang, director ng PNP-Cagayan na maituturing na illegal alien ang mga nasabing Chinese dahil wala silang working visa at hindi rin umano sila konektado sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Una kasing napalita na ang mga nasabing dayuhan ay locator sa CEZA.

Ayon pa kay Quilang na nakapagpyansa na ang mga nasabing Chinese ng P7.5 milyong kasama ang tatlong Pilipino na nahuli din sa nasabing gambling den.