Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 75,000 na mga trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino na bunga sa mga naging pagbiyahe sa labas ng bansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang mga nasabing trabaho ay manggagaling sa sektor ng enerhiya kabilang na ang renewable energy.
Ayon sa kalihim, nagma-materialize na ang naging pakikipag- usap ng Pangulo sa mga pinuntahan nitong mga bansa.
Kabilang sa mga mga bansang nag commit ng investment sa Pilipinas ay ang Germany, Singapore, Estados Unidos at The Netherlands.
Sinabi ni Laguesma na nakikipag-ugnayan na sila sa DTI at DOT hinggildDito upang matingnan din naman ang available manpower para sa nasabing malaking job demand na naghihintay sa ating mga kababayan.
Sa sectoral meeting kanina sa Malakanyang, iprinisinta ni Laguesma kay Pang. Marcos ang Labor and Employment Plan ng ahensiya na layong tutugon sa isyu ng labor force sa bansa.
” Sa bahagi ng Department of Labor and Employment, mayroon ding tinatawag na National Technical Education Skills Development Plan for 2023-2028 na binalangkas po ng TESDA. Ito po iyong naglalaman ng mga intervention na puwedeng gawin ng Department of Labor and Employment, kabahagi po ang TESDA at saka iyong ibang mga departamento. Dahil kanina, sa sectoral meeting, medyo malaki ang bilang ng mga departments na dumalo. Kasi iyon pong Labor and Employment Plan cut across almost all departments, mayroon po silang bahagi upang iyong mga targets na nakikita natin batay po sa pakikipag-ugnayan sa mga business organizations, iyong kanilang mga projections, iyan po ay naisagawa natin at iyon po ay magiging bahagi ng intervention at saka iyong tutugunan nang sa ganoon iyong mga pangangailangan hindi lamang sa construction industry, maging sa BPO at pati po sa tourism, health,” pahayag ni Sec. Laguesma.