KORONADAL CITY – Nabakunahan na ng Sinovac COVID-19 vaccine ang 6,733 na mga frontline health workers sa region 12.
Ang mga ito ay 75 percent sa kwalipikadong mahigit nine thousand na mga medical professionals at staff ng 23 COVID-19 referral hospitals sa rehiyon.
Ang mga ito ay nabigyan ng bakuna sa pitong araw na inoculation na nagtapos noong araw ng Linggo.
Ito ang inihayag ni Health Education and Promotion Officer ng Department of Health 12 na si Arjohn Gangoso.
Nilinaw din ni Gangoso na ilang sa mga nabakunahan ayn nakaranas ng minor side effects.
Kaugnay nito matagumpay ang isinagawang unang bugso ng malawakang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa mga health workers sa rehiyon dahil lumapagpas pa ito sa kanilang inaasahan.
Ang region 12 ay may mahigit walong libong doses na allocation ng Sinovac vaccine para sa inisyal rollout sa mga prayoridad na health workers.
Habang dumating naman sa lalawigan ang dagdag na 35 thousand doses ng Astrazeneca.