-- Advertisements --

VIGAN CITY – Umabot na sa 75% sa mga nakapitan ng COVID19 ay mula sa local transmission ng coronavirus sa lalawigan ng Ilocos Sur dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID19 cases at karamihan sa mga pasiente ay asymptomatic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Dr. Ruth Judith Gay Cristobal ng Ilocos Sur Medical Society, mula umano ng luwagan ang restriction sa mga papasok ng lalawigan ay lumubo na ang kaso ng nasabing virus at halos umapaw na ang mga quarantine isolation facility.

Halos wala nang bakante sa mga Provincial Health Units, District Hospitals at Healthcare Facilities sa lalawigan.

Nanawagan sa publiko si Cristobal na makipagtulungan ang mga residente upang maiwasan ang pagkalat pa ng virus at palaging magsuot ng face mask, face shield, paghuhugas at pagsasabon ng kapay at pagsunod sa social distancing.

Sa ngayon mayroon ng kabuuang 707 kumpirmadong kaso ng COVID19 ang lalawigan at 265 ang aktibong kaso ng nakakamatay na virus.