-- Advertisements --
Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na tinanggal na ang lahat ng 75 na mga kapulisan na nakatalaga sa kaniya.
Sinabi nito na nitong Hulyo 22 ng maglabas ng kautusan si PNP chief Police General Rommel Marbil na nag-aatas sa pagbawi sa lahat ng mga PNP personnel na nakatalaga sa Bise Presidente.
Pagtitiyak ni Duterte na hindi maapektuhan ang kaniyang trabaho bilang Bise Presidente.
Paliwanag naman ni Marbil na binawasan ang mga pulis na nakatalaga sa bise presidente.
Ang mga security aniya sa Bise President ay hindi na sa kanilang kontrol at sa halip ito ay sa ilalim ng Presidential Security Command.
Siniguro naman ni PSC commander Brig. Gen. Nelson Morales na tinitiyak nila ang seguridad at kaligtasan ng Bise Presidente.