-- Advertisements --

Nakabalik na ng bansa ang karagdagang 75 na mga pinoy mula Lebanon bilang 91st batch ng mga repatriated Overseas Filipino Workers (OFW’s) bunsod pa rin ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.

Siniguro ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na lahat ng mga OFW’s mula sa Lebanon ay dumating ng ligtas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo.

Makakatanggap naman ng tulong mula sa gobyerno gaya ng DMW at karagdagang tulong din mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga ito gaya ng financial at livelihood assitance para makapagumpisang muli dito sa Pilipinas.

Makakatanggap din ang mga ito ng mga educational vouchers mula sa Technical Education and Skills Development Agency (TESDA) para sa mga skillset na kailangan nilang matutunan.

Samantala patuloy naman ang repatriation program ng national government para sa mga OFW’s na naiipit sa sigalot sa middle east.