BUTUAN CITY – Aabot sa 75 na mga units ng ecological-friendly e-jeepneys ang umarangkada na sa pamamasada sa iba’t ibang bahagi ng Caraga Region matapos ang initial launching nito sa lungsod ng Butuan sa pangunguna ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Caraga.
Ayon kay Jose Evangeluz Lawemko – chairman ng Diamond Transport Services Cooperative (DTSCO) Caraga, pinunduhan ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang nasabing mga unit ng halos P110-milyong upang magamit ng 877 mga miyembro nila sa buong rehiyon.
Malaki ang kanilang pasasalamat na natupad na sa wakas ang nasabing programa dahil wala silang ibinigay na capital na iba sa kinatatakutan ng ibang mga transport organizations at operators.
Nilinaw ni Lawemko na ilalim sa Public Utility Vehicles (PUV) Modernization Program, wala silang personal na obligasyon sa kanilang makukuhang yunit dahil otomatiko umano itong i-deduct ng bangko sa pamamagitan ng tuck-in at tuck-out sa gagamitin nilang Automated Circulation System (ACS) card imbes na perang pamasahe.