-- Advertisements --

Humigit-kumulang $750 billion ang halagang kakailanganin para sa reconstruction ng bansang Ukraine mula sa pinsalang dulot ng giyera.

Sa Ukraine Recovery Conference sa Switzerland, inilarawan ni Ukraine President Volodomyr Zelensky at ng mga government ministers ang malawak na pinsala na idinulot ng inilunsad na full-scale invasion ng Russia sa Ukraine simula noong Pebrero 24.

Iginiit ni Zelensky na ang muling pagtatatag ng kanilang bansa ay hindi lamang obligasyon ng iisang nasyon kundi ng buong mundo at binigyang diin ma ito ay ang pinakamalaking kontribusyon bilang suporta sa pagkakaroon ng kapayapaan sa buong mundo.

Inihayag naman ni Prime Minister Denys Shmyhal na ang pagkumpiska sa mga assets ng Russia at Russian oligarchs ay siyang key source para sa recovery ng Ukraine dahil sa inilunsad na bloody war ng Russia at malawakang pinsala sa Ukraine kailangan nitong managot.

Sa reconstruction plan ng Ukraine government, unang tututukan ang agad na pagbibigay ng mga kailangan ng mga apektado ng giyera at ang pagpondo sa libu-lubong long-term reconstruction projects.