Pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ngayong araw ng ika-75th “Araw ng Kagitingan” (Day of Valor) o ang Bataan Day, April 9, 2017, sa Mount Samat, Bataan kung saan matatagpuan ang Dambana ng kagitingan.
Exacto alas-9:35 ng dumating si Pangulong Duterte, ito ang kauna-unahang pagkakataon na pangunahan ang aktidibidad.
Sa pagdating ng pangulo nag-alay ito ng bulaklak para sa mga sundalong bayani.
Sa araw na ito, muling binigyang pagkilala ang kabayanihan ng mga Filipinong sundalo na kasamang nakipag laban noon sa mga sundalong Amerikano noong World War II para depensahan ang Bataan, Corregidor at Bessang Pass.
Ayon kay Bataan Police Provincial Director SSupt. Benjamin Silo na dadalo din sa aktibidad ngayong araw ang Ambassador ng Japan at ng Deputy Ambassador ng United States.
Makikibahagi din sa aktibidad ngayong araw ang mga miyembro ng United States Special Forces.
Magkakaroon ng symbolic march mula sa kilometer zro sa bayan ng Mariveles patungong Zigzag Road sa Bataan, ilang bahagi din sa Pampanga patungong Capas, Tarlac na may 145 kilometro ang distansiya.
Ayon kay Freeport Area of Bataan Information Officer Carissa Caraig ito ang exactong distansiya na nilakad ng mga libu-libong mga Filipinong sundalo.
Karamihan dito ay nasawi dahil sa gutom at pagod.