-- Advertisements --

Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes, Marso 3 na natapos na ang pag-imprenta sa mahigit 53 milyong mga balota na gagamitin para sa 2025 midterm elections.

Ito ay katumbas ng 76.58% ng 72 milyong kailangang mga balota.

Bunsod nito, nasa kabuuang 16,338,956 balota pa ang nakatakdang i-imprenta.

Matatandaan na noon lamang Enero 27 muling ipinagpatuloy ng poll body ang pag-imprenta ng mga opisyal na mga balota matapos suspendihin kasunod ng paglalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa
diskwalipikasyon ng ilang mga aspirant.

Samantala, target ng Comelec na matapos ang pag-imprenta ng lahat ng mga balota ngayong Marso at ang pagberipika samga ito sa Abril ng kasalukuyang taon.