-- Advertisements --
COLOMBO – Kinumpirma ng tagapagsalita ni Sri Lanka Prime Minister Mahinda Rajapaksa na tuluyan nang nagbitiw sa puwesto ang opisyal ngayong Lunes, Mayo 9.
Ito’y kasunod ng marahas na bakbakan sa pagitan ng kanyang mga tagasuporta at ng anti-government protesters na nag-iwan ng 78 kataong sugatan.
Ang pagbibitiw sa puwesto ng 76-year-old prime minister ng Sri Lanka ay sa gitna ng dinadanas na matinding economic crisis ng bansa na nauwi nga sa mga kilos protesta.
Isinumite ng Sri Lankan prime minister ang kanyang resignation letter sa nakababata nitong kapatid na si President Gotabaya Rajapaksa.
“..Clearing the way for a “new unity government,” saad ng spokesman na si Rohan Weliwita.