-- Advertisements --
image 314

Nakapaghain na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng 76 diplomatic notes at protesta laban sa China sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea, ayon sa mga datos ng Department of Foreign Affairs

Sa pahayag ni DFA Spokesperson Teresita Daza nagpapadala ang Manila ng mga notes at protesta sa Beijing sa tuwing may ilegal na panghihimasok o action na talagang ginawa sa ating exclusive economic zone.

Aniya, halos regular na nagpoprotesta ang naturang departmento dahil maraming ilegal na action ang nagaganap.

Dagdag ni Daza na kasama sa tally ang 9 na notes na ipinadala sa China ngayong taon.

Ang Department of Foreign Affairs ay hindi pa naman nakakakuha ng mga datos at impormasyon sa panig ng Beijing.

Una na rito, naghain ang Pilipinas ng 193 notes laban sa China noong taong 2022.