Nasa 76 dating NPA fighters ang nakiisa sa 1st Western Mindanao Former Rebels’ Summit and Acceptance na isinagawa kahapon August 15,2020 sa Ipil, Zamboanga Sibugay Province.
Tiniyak ni Philippine Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang tulong at suporta ng gobyerno sa mga sumukong rebelde.
Ginawa ni Sobejana ang pahayag sa isinagawang kauna-unahang Summit and Acceptance para sa mga dating rebelde kung saan siya ang nagsilbing Guest of Honor and Speaker.
Bukod sa financial assistance na natanggap ng mga sumukong rebelde, nagkaroon din ng medical mission program ang militar para sa mga rebel returnees.
Sa talumpati ng heneral kaniyang sinabi na makapagsisimula na ng panibagong buhay ang mga dating rebelde na sumuko sa gobyerno at nakatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Kinilala naman ni Sobejana ang efforts ng Technical Working Group Regional Task Force 9 ELCAC sa pamumuno ni Director Ariel Perlado, at 102nd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Leonel Nicolas, mga local chief executives, at local government units.
“With our partners and the communities, we will capacitate forces that will address the challenges of the times. The Army will raise forces that can provide new opportunities to our brothers and sisters who have fallen victim to the deceptive communist terrorist groups,” pahayag ni Sobejana.
“Despite the pandemic, our government consistently pursues lasting peace and development in Zamboanga Peninsula. This also attests to our resolve to defeat the communist insurgency before 2022 and maintain stability in the region. Together, we shall build better communities anchored on the principles of unity and democracy, which our land is founded on,” dagdag pa ni Sobejana.